Let's define Manhid from Tanga.
MANHID. - Ginagawa na, wala lang sa kanya. Try mo minsang kurutin yung katabi mo sa school, syempre ‘pag nasaktan siya, hindi siya mandhid. Katulad ng sa pag-ibig. Eto yung todo effort na yung isang tao para ipakita yung feelings niya sa’yo, para ipadama na mahalaga ka sa kanya, pero ikaw, wala. Nananatiling bulag. Nananatiling manhid.
- Di makaramdam. Sa maraming pamamaraan. Yung di siya makaramdam na nagtatampo ka na. Di siya makaramdam na nahuhulog ka na, namimiss mo na siya, gusto mo siyang kausapin, gusto mo siyang makasama. Wala. Di niya ‘yun maramdaman kasi nga manhid siya.
TANGA.
- Nandun na, pero binalewala pa niya. Isang napakalaking katangahan lang kung ganon. Halimbawa na lang eh yung may taong parating nandiyan para sa’yo, mahal na mahal ka, pinapasaya ka, at nakikita mo, siya yung taong kailangan mo. Kaso anong ginawa mo? Hindi ka nasapatan. Hindi mo inappreciate. Hindi mo inisip, minsan lang may dumating na ganon sa buhay mo. At isa pa, madalas na din ang basta-basta na lang pinapakawalan.
- Alam na niya, wala siyang ginagawa. Alam mo na/Nararamdaman mo ng nanlalamig siya sa’yo. Alam mo na/Nararamdaman mo ng may bago na siya. Alam mo na/Nararamdaman mo ng nagsasawa na siya sa’yo. Pero anong ginawa mo? Pinabayaan siya. Hindi mo pinaglaban ang pagmamahal mo sa kanya.

